OFW natangayan ng alahas, iba’t ibang pera

NATANGAY ang alahas, gamit at iba’t ibang uri ng pera ang isang overseas Filipino worker ng tatlong lalaki nang pasukin ng mga huli ang bahay ng una sa Caloocan City Sabado ng madaling araw.

Nadakip naman sina Rolando Regis, 26 at Joseph Deocariza, 18 kapwa ng Camarin ng lungsod habang nakatakas si Cezar Ruiz.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, natutulog ang biktima na si Maria Elene Espinosa, 22 sa loob ng kanilang bahay sa Area D., Camarin nang magising at tutukan ng baril ng isa sa mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang LCD TV., iPhone, laptop, tatlong hikaw, wallet na naglalalaman ng P4,000, $800, 400 Hong Kong dollar, 500,000 Korean money at 200 Chinese money bago nagsitakas.

Nakahingi naman ng tulong ang kapatid ng biktima na si Erwin sa mga pulis na naging dahilan upang masakote sina Regis at Deocariza.

Nabawi ang television at iPhone ng biktima habang tangay ni Ruiz ang iba pang nakulimbat na pinaghahanap na ngayon ng mga pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply