OFWs sa Saudi Arabia, kumakain na ng basura

NAGSASAGAWA na ngayon ng malawakang imbestigasyon ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay na nakapanlulumong ulat na mayroong 10 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang nagbubungkal ng basura para lang makakain ang mga ito.

Ayon sa pagsisiwalat ni John Leonard Monterona, Regional Coordinator
ng Migrante-Middle East, nakunan ng litrato ng kanilang grupo ang ilan
sa mga OFW nitong nakalipas na linggo na naghahanap ng makakain sa
basurahan.

Napag-alaman na namamasukan sa isang local establishment sa Al-Khobar
ang sampung OFW, at dahil sa naranasang labor malpractices ay
nagdesisyon silang tumigil sa pagtatrabaho nitong Hulyo.

Kinilala ang mga biktima na sina Bonifacio Bayubay; Perlito Garcia;
Marlon Ciervo; John Ryan Lupega; Ronie Villegas; Demetrio Galia; Rodel
Lonsame; Percival Bibat Jr.; Wilfred Elbanol at Jonathan Querido.

Ang mga nabanggit na OFW’s ay dineploy ng Philippine-Based Recruitment
Agency na YHMD International Manpower Services.

Nagtrabho ang 10 OFWs bilang construction workers at equipment operator/technician ng Ali-Fahad Al Huraish, isang contracting company
na may punong tanggapan sa Al-Hasa, Saudi Arabia.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply