Oil price hike, sabwatan ng mga oil companies – PISTON

MALAKI ang paniniwala ng samahang Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na nagsasabwatan ang mga oil companies sa patuloy na nararanasang oil price hike ng produktong petrolyo.

Ayon kay PISTON Sec. Gen George San Mateo, maari namang makontrol ang walang katapusang oil price hike ng mga kompanya ng langis pero walang aksyon na ginagawa rito ang pamahalaan.

Giit ni San Mateo, palaging isinasangkalan ng Department of Energy (DoE) ang Oil Deregulation Law kaya naman marapat lamang itong ibasura.

Binigyan diin ni San Mateo na malakas ang kanyang paniniwala na may naganap na sabwatan sa pagitan ng mga oil companies at binuong independent Oil Price Review Committee upang pagtakpan ang tunay na
presyuhan ng langis sa world market.

Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga, mahigit sa P0.50 ang itinaas ng mga oil companies sa kanilang produktong petrolyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply