Oil price rollback ipatutupad bukas

NAKATAKDANG ipatupad ng mga oil companies ang bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo bukas.

Epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, ay babawasan ng 90 sentimos hanggang P1 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Mas maliit naman ang rollback sa diesel na tinatayang maglalaro sa 10 sentimos hanggang 25 sentimos kada litro.

Matatandaan na noong nakaraang linggo 70 sentimos ang itinaas ng presyo ng unleaded at premium gasoline.

Samantala, 60 sentimos naman ang ini-rollback sa kerosene at regular gasoline habang 30-centavos sa diesel.

Ang bawas presyo ay bunsod sa umiiral na bentahan sa wold market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply