Oil price rollback ipinatupad sa ilang oil companies

IPINATUPAD na ng ilang oil companies ang ipinatupad na bigtime rollback sa produktong petrolyo ngayong araw.

Ayon sa Department of Energy (DoE), ang bawas presyo ay epekto umano ng patuloy na pagbaba ng presyo ng mga produktong langis sa pandaigdigang pamilihan.

Nagsimula ang pagtapyas sa presyo alas-12:01 kanina ng madaling araw at P2.15 sa kada litro ng premium at unleaded gas ang ipinatupad ng Petron, Seaoil at Shell, habang P1.70 sa kada litro at regular gasoline at P1.35 sa diesel.

Nag-tapyas din sa kaparehong oras ang Eastern Petroleum ng P2 sa kanilang premium, P1.35 sa diesel at kerosina at P1.75 sa regular gasoline.

Habang ang Unioil, P2.30 ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Kaugnay nito, alas-6:00 naman ng umaga nang magbawas ng presyo ang Phoenix Petroleum ng P2.15 sa kada litro ng premium at unleaded, P1.70 sa regular gasoline habang P1.35 sa krudo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply