Oktubre 26, idineklarang regular holiday

IDINEKLARA ng Malakanyang ang Oktubre 26 bukas (Biyernes) bilang isang regular holiday.

Ito’y bilang pagbibigay-daan sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha, isa sa pinakamalaking religious activities ng mga Muslim.

Una na dito, idineklara ni Pangulong Noynoy Aquino ang Oktubre 21 (Linggo) na national holiday bilang pagkilala at pagpupugay sa kanonisasyon ni Blessed Pedro Calungsod.

Kaugnay nito, ikinasa na rin ng pamahalaan ng Syria ang tigil putukan o ceasefire sa panahon ng paggunita ng mga Muslim sa Eid’l Adha.

Ngunit, ayon kay Un Arab League Mediator Lakhdar Brahimi, wala pang naikakasang kasunduan kung kailan pormal na ihahayag ang tigil putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Syria at ng mga miyembro ng oposisyon.

Umani naman ng suporta mula sa international community ang hakbang na ito ng Syria bilang pagbibigay seguridad na rin sa mga Muslim na magtutungo sa Meccah Saudi Arabia para sa taunang Hajj  ng mga kapatid na Muslim.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply