Onion smugglers, timbog uli kay Comm. Biazon

HINDI biro-biro ang milyon-milyong halaga ng sibuyas na nasakote ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.

Umaabot saP14M ang halaga ng smuggled onions na nahuli ng BOC  mula sa China na malamang na makaapekto sa lokal na industriya na mga magsisibuyas.

Ang smuggled onions  na nakakarga sa 40 footer container vans at naka-consign sa RSG Marketing and Adier Enterprise Trading  ay naharang ng mga tauhan ni Customs Comm. Ruffy Biazon sa MICP.

Aba, kung hindi aktibo ngayon ang BOC sa pamamahala ni Comm. Biazon, tiyak na bagsak na talaga ang industriya ng pagsasaka partikular na ang bigas, sibuyas, at iba  pang uri ng mga pananim.

Noon kasi ay sobrang talamak ang smuggling ng mga nasabing produkto  na iniiyakan ng mga magsasaka dahil  sa hindi ito siniseryoso ng mga namumuno noon sa Customs.

Mantakin n’yo, mahigpit na ipinagbabawal ang importasyon ng sibuyas dahil  marami rin naman tayong iba’t ibang taniman pero nakalulusot pa rin ang mga imported onion dahil sa mga tarantadong ismagler at mga kasabwat ng mga ito sa BOC.

Sinasabi ngayon na iba na ang BOC sa ilalim ni Biazon.  Hindi magtatagumpay ang mga ismagler sa pagmamatyag ng BOC sa anomang tangkang pagpupuslit ng mga produkto.

Kaya hindi kataka-taka kung bakit  sa pamamahala ni Biazon ay malaki ang tiwala ng publiko sa pamumuno nito.

Sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) hinggil sa mga ahensiya ng pamahalaan na dapat  pagtiwalaan  ay pumalo sa malaking porsiyento ang balik-tiwala ng taumbayan sa BOC.

Kaya naman lubos na nagagalak si Raul Concepcion kay Biazon dahil imbes na isulong umano nito  ang personal nitong adyenda sa pulitika ay inuna muna nya ang paglilingkod sa Customs.

Kaya naman magaling si Biazon.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply