Onsehan sa droga, motibo sa Rizal massacre

ISA sa mga sinisilip na motibo ng pulisya kaugnay sa pagmasaker sa pitong katao sa lalawigan ng Rizal ay ang illegal drug trade o onsehan sa droga.

Sinabi ni Rodriguez police chief Supt. Don Bait, ito ay dahil naaresto na rin sa drug-related charges ang napatay na mag-asawang sina Webb at Alma Santos.

Kaya sa ngayon, nangangalap pa sila ng mas mga matibay na ebidensya para makatiyak na onsehan sa droga ang dahilan kaya ikinasa ang pagmasaker hindi lamang sa mag-asawang Santos kundi idinamay pati ang kanilang mahal sa buhay bilang paghihiganti ng mga naagrabyado sa naturang iligal na transaksyon.

Lalo pa itong napagtibay, dahil napansin na ang pamamaraan ng pagpatay ng mga salarin sa mga biktima ay isang klase ng karumal-dumal na krimen na ikinakasa lamang kapag ang paghihigantihan ay napalaki ng kasalanan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ng apat na armadong kalalakihan ang mga biktima sa kanilang bahay sa Barangay San Jose, pasado ala-1:00 kaninang madaling araw.

Maliban sa mag-asawa, namatay din sa pamamaril ang mga biktimang sina Darmo Rivera, Roberto Talagtag, John Michael Gardose at Judy Ann Severo at Joshua Tuazon, na kapwa menor de edad.

Ikinasa na ang manhunt operation laban sa mga suspect na pinaniniwalaang miyembro ng malaking drug syndicate sa Rizal province.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply