Open ang bentahan ng droga at laman sa Bilibid Prison

MINSAN na namang nagkatotoo ang kasabihang “kung wala ang pusa, naglalaro ang mga daga.”

Ito  ngayon ang nangyayari sa loob ng  National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa kung saan ay malayang nakararaket ang mga empleyado dahil  sa kasa-lukuyan ay wala pa ring itinalagang Director ang Bureau of Correction.

Sa source ng Lily’s Files ay napag-alaman na kanya-kanya umanong raket ang ginagawa ng mga  empleyado rito para kumita  lang ng pera kahit na sabihing  marami ang umiiyak sa kasalukuyang kalakaran na ipinatutupad ngayon  sa loob ng bilangguan.

Ayon sa reklamo ng ilang bilanggo, sobra na raw ang panggigipit ng mga empleyado ng nasabing bilangguan  magkamal lang ng pera at sinasamantala raw ng mga ito ang mga dumadalaw na walang magawa kundi sumunod sa kagustuhan ng mga tiwaling empleyado.

Sinasabing pagpasok pa lang ng dalaw ay kailangan na nitong magbayad ng halagang P50.00 para sa kanilang ID at pagkatapos ay  magbabayad  agad ang dalaw ng P200.00 doon sa empleyado na tatawag naman doon sa dadalawing bilanggo.

At kapag magkausap na ang bilanggo at ang dalaw ay kailangang magbayad na naman ng P200.00 ang dalaw para sa minatamis na sampaloc.

At dahil maliit lang ang visiting area ng Gate 1 ay limitado lang sila sa 30 minuto at kapag gusto ninyo pang magtagal ay kailangang magbayad ka ng P100.00 kada oras.

At dati-rati daw ay nagbabayad ang dalaw ng P300.00 noong nasa Gate 4 pa sila.

Ayon sa mga bilanggo, kanya kanyang diskarte ang mga emple-yado ng NBP ngayon dahil wala pang itinalagang director dito at   pansamantalang si DOJ Sec. Leila De Lima ang OIC.

Bukod umano sa raket ng mga empleyado ay bukas din   ang bentahan ng droga at laman sa mga bilanggo  na may  kakayahang magbayad.

Nagkalat umano sa loob ng bilangguan ang mga prostitute at pusher dahil din sa kagagawan ng mga tiwaling empleyado na  binibigyan umano ng basbas ng  isang alyas “Sir Abas at Sir Reyes” na nagmula sa “Overseer” office.

Pakiusap ng mga bilanggo, sana ay magtalaga muna ng OIC  ang bilangguan  para may tumingin at mangasiwa naman sa kanila.

Hindi ‘yung ganitong kanya-kanyang raket ang mga empleyado para manggipit sa mga dalaw kung saan ay ginagawa nila itong palabigasan.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 0915568-3000 at 09087230036 o kaya ay mag email lang sa … lpr_2012@-yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply