Operasyon ng LRTA sa Nov.1-2, tuloy

NORMAL pa rin ang takbo ng mass transport system sa November 1, All Saints’ Day  at November 2, All Souls Day, na deklaradong holiday.

Ito ang kinumpirma ngayon ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority  o LRTA.

Ayon sa LRTA, gaya ng ordinaryong araw,  ang LRT 1 at LRT 2 ay magsisimulang bumiyahe mula alas-5:00 ng umaga sa weekdays.

“LRT Lines 1 and 2 will follow normal operating schedule on Nov. 1 and 2 starting 5:00 a.m. “, ayon sa post ngayon  ng LRTA sa kanilang twitter account.

Nabatid na alas-5 ng umaga ang alis ng LRT-1 sa Baclaran patungong Roosevelt sa  Quezon City habang ang huling biyahe naman pabalik ay alas-10:00 ng gabi.

Habang sa mga araw ng Sabado at Linggo at holidays, ay ganap na alas 9:30  ng gabi naman ang huling biyahe mula sa Roosevelt, Quezon City patungong south .

Kaugnay nito, ang last trip naman ng  LRT-2 sa  weekdays mula Recto station patungong Santolan ay alas-10:00 ng gabi habang tuwing Sabado, Linggo at holidays ay alas-9:30 ng gabi ang last trip ng LRT 2.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply