Operasyon ng Mini Stop ipinahinto ng BIR

IKINANDADO  ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) ang operasyon ng Mini Stop dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997 o Tax Code.

Ayon sa BIR, ang Mini Stop ay napatunayang nagkaroon ng  gross underdeclaration ng taxable sales sa kanilang arawang transaksiyon.

Ang Mini Stop ay  pinatatakbo ng  RYO3 INC. na may  business address  sa  Unit 102 Centerpoint Condominium, Garnet Road, cor. J. Vargas Avenue, Ortigas Center, Pasig City.
Ito ay isang 24/7 convenience store sa Metro Manila.

Unang nadiskubre ng BIR  sa  POS machines na gamit ng Mini Stop sa kanilang operasyon ay hindi tugma sa naideklarang kita sa BIR noong 2010 na may discrepancy na 188% at 183% sa  unang semester ng 2011 .

Ayon pa sa  BIR  bukod aniya  sa administrative sanctions ay nahaharap din ang kumpanya sa dagdag na kaso dahil sa pagtatangkang  dayain ang gobyerno sa pagbabayad ng buwis.

Nabigo  aniya ang kumpanya na  bayaran ang tamang income tax,    bigo rin  itong mag-file ng  VAT returns at  magbayad ng tamang  VAT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply