Operasyon ng Ozamis robbery gang, may basbas ng ex-mayor

AMINADO ang lider ng Ozamis Robbery Gang na may koneksyon ang kanyang grupo sa isang dating alkalde sa Misamis Occidental, na isang dati ring lider ng Kuratong Baleleng robbery gang bago pumalaot sa pulitika.

Hindi naman tinuran ni Ricky Cadavero kung ang dating alkalde ay ang siyang mastermind ng grupo bagamat ayon sa suspek, bawat operasyon ng Ozamis gang ay may patnubay ang dating alkalde.

Si Cadavero ay naaresto kamakailan sa Cavite. Nakumpiska kay Cadavero ang tatlong passbook sa bangko na naglalaman nag P1.2 milyon, isang Mitsubishi Montero, a Honda CR-V at Toyota Innova.

Ayon pa rin kay Cadavero, anumang oras ay pwede niyang kausapin ang dating alkalde. Katunayan, umano ay tinawagan siya nito upang makipagkita subalit umuwi siya sa Ozamis dahil bumili siya ng lupain kayat di sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita.

Sa ngayon, ayon kay Cadavero, hindi tatakbo sa pulitika ang dating alkalde. Subalit kasalukuyang nakaupo bilang alkalde ng isang bayan sa Misamis Occidental ang anak nitong babae.

Dati umanong tirador o hitman ng retiradong alkalde si Cadavero bago ito nagtatag ng sariling grupo na nakilalang Ozamis Robbery Gang.

Tikom din ang bibig ni Cadavero ng tanungin ng mga mamamahayag kung may parte ang dating alkalde sa mga nakukulimbat ng grupo sa mga operasyon nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply