Operasyon ng PNR, matatagalan pa

POSIBLENG sa loob ng isang buwan ay magbalik na sa normal na operasyon ang Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Paul De Quiros, tagapagsalita ng PNR, kasalukuyang binibigyan ng permanenteng solusyon ang mga nasira sa bahagi sa Sariaya, Quezon at ilan pang tulay na daraanan ng kanilang mga tren.

Samantala, sinigurado naman ni De Quiros na kanilang tinutulungan ang mga pasaherong nauna nang nag-book sa kanila para sa panahon ng Undas.

Matatandaan na nasa siyam ang sugatan matapos madiskaril ang tren ng PNR sa bahagi ng Sariaya, Quezon.

Tatlong bagon din ng tren ang nahulog sa ilog. Sinasabing lumambot ang lupa doon sanhi ng walang tigil na pag-ulan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply