Opisyal ng 27th IB, 11 sundalo sa sangkot sa masaker, sinibak

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Sinibak sa puwesto ng company commander na si 1st Lt. Dante Jimenez kasama ang kanyang 10 tauhan bunsod ng insidente malapit sa isang mining site sa Davao del Sur na naging sanhi ng pagkamatay ng isang dalawang buwang buntis na B’laan kasama ang kaniyang dalawang anak.

Sa pakikipag-ugnayan kay 10th ID spokesman Lt. Col. Lyndon Paniza, kinumpirma nito ang pagsibak sa puwesto ng company commander na si 1st Lt. Dante Jimenez kasama ang kaniyang 10 tauhan bunsod ng insidente.

Bumuo ng Board of Inquiry (BOI) ang 10th Infantry Division ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y involvement ng mga sundalo mula sa 27th Infantry Battalion sa umano’y sagupaan malapit sa isang mining site sa Davao del Sur kamakailan na naging sanhi ng pagkamatay ng isang B’laan kasama ang kaniyang dalawang anak.

Pinamumunuan ni Col. Edel Francis Pumihic, inspector general ng 10th ID, ang binuong Board of Inquiry upang matukoy kung may lapses at violation sa rules of engagement ang mga sundalo.

Samantala, nilinaw naman ni Paniza na hindi kasamang nasibak sa puwesto ang commanding officer ng 27th Infantry Battalion na si Lt. Col. Alexis Noel Bravo.

Sa ngayon, kasalukuyang naka-confined sa headquarters ng 10th ID si Lt. Jimenez at ang kaniyang tauhan.

Dagdag pa ni Paniza, pinagpapaliwanag ng Board of Inquiry si Lt Col. Bravo bunsod ng nasabing insidente.

Napag-alaman na napatay ang asawa at anak ng notoryus na si Daguil Capion.

Nakilala ang mga namatay na sina Juvy, misis ni Capion; dalawang anak na sina Pop, 13; at John, 8.

Pinaniniwalaang sugatan din sa insidente si Daguil Capion.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni 10th ID commanding officer Brigadier Gen. Ariel Bernardo na mananagot ang mga sundalo kung mapatunayang nagkaroon ng lapses o violation sa rules of engagement sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply