Oplan Ligtas Biyahe: Undas 2012 ng DOTC ikakasa na bukas

IKAKASA na bukas, Oktubre 26 ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang programang “Oplan Ligtas Biyahe: Undas 2012” na tatagal hanggang sa Nobyemre 5.

Ang programa ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga bibiyahe patungo sa Metro Manila at mga lalawigan para gunitain ang Araw ng mga Patay.

Sa ilalim ng naturang programa, magtatayo ang DOTC ng mga assistance desk sa mga airport, seaport, bus terminal at pangunahing lansangan.

Ito’y bilang paghahanda sa inaashang pagdagsa ng mga motorista at pasahero partikular sa North at South Luzon Expressways, simula Sabado.

Kaugnay nito, ayon kay Transpotation Secretary Joseph Emilio Abaya, ia-activate rin nila ang microsite ng kagawaran na www.ligtasbyahe.org gayundin ang Facebook at Twitter accounts.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply