Oplan Undas

NAGHANDA na ang Department of Public Works and Highways o DPWH ng tauhan nito para sa “Oplan Undas” mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 5.

Tutulungan ng DPWH ang mga motorista kung saan maglalagay sila ng anchorman at team leader na mangunguna upang magbigay ng report kada anim na oras sa lahat ng regional at district engineering offices ukol sa lagay ng sitwasyon sa mga lansangan.

Maglalagay din ang ahensya ng grupo para sa “Lakbay Alalay” para naman sa inaasahang pagdagsa ng marami nating kababayan na uuwi sa kani-kanilang probinsya sa araw ng mga patay. Makikipagugnayan ang DPWH sa iba’t ibang ahensya tulad ng Land Transportation Office, Philippine National Police at ilan pang local government unit na siguradong tutulong sa pagbabantay ng seguridad sa mga lansangan ngayong darating na undas.

Puspusan na rin ang pag-aayos ng DPWH sa mga kalsada at naglagay na rin sila ng mga kaukulang warning signs upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.

Ayon kay Secretary Rogelio Singson, sinisiguro nila na maayos at ligtas ang lahat ng kalsada lalo na ang dadaanan ng ating mga kababayan papunta sa mga private at public cemeteries. Sinabi rin ni Singson na ipagbigay alam sa kanilang ahensya ang kalagayan ng mga kalsada at tulay sa pamamagitan ng kanilang Hotline na 165-02 o mag-text sa 2920.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply