Orcollo bigo; Karol Skowerski itinanghal na Masters Champion

NABIGO si Filipino Dennis “Robocop” Orcollo na maisubi ang titulong napanalunan niya dalawang taon na ang nakalilipas matapos matalo kay Poland’s Mateusz Sniegocki, 8-6, sa semi-finals sa katatapos na 2012 World Pool Masters na ginanap sa Hala Legionow sa Kielce, Southern Poland nitong Linggo.

Si Orcollo ng Bugsy Promotions ang 2010 Masters Champion at tumapos ng ika-2 puwesto kay Ralf “Kaiser” Souquet ng Germany na nagkampeon din nitong nakalipas na taon.

Nabigo rin si Sniegocki na maipagpatuloy ang kanyang pananalasa matapos matalo sa kababayan na si Karol Skowerski, 8-6, para sa championships’s trophy at top pize $20,000.

Hindi naman umuwing luhaan si Sniegocki na tumangap ng runner-up purse na $10,000.

Unang giniba ni Sniegocki kontra si Souquet, 8-6, sa first round kasunod si Filipino-Canadian Alex “The Lion” Pagulayan, 8-6, sa quarter-finals.

Habang pinatumba naman ni Skowerski sina Shane Vane Boening ng USA, 8-2, Tony “Tornado” ng Malta, 8-3, at Nick Van Den Berg ng Netherlands, 8-6, ayon sa pagkakasunod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply