Ordinansa sa pagbabawas sa paggamit ng plastic bag

ANG mga sumusunod ay dapat na sundin sa pag–eestablisa ng ordinansa sa paggamit ng plastic bag.

Plastic Recovery System Fee–kapag ang mamimili walang reusable bag na dala. Sila’y magbabayad ng P2.00 kada plastic.

Green Fund-Pondo o pera na kinita mula sa pagpapatupad ng plastic recovery system fee ng mga sari–sari stores na nakalaang pampondo sa iba’t ibang mga simulain upang makinabang ang kapaligiran.

HDPE-Mataas na uri ng Polyethylene plastic o type–2 na plastic na materyales LDPE at LLDPE–Mababang uri ng Polyethylene plastic o type–4 plastik na materiales.

Plastic Bags-Mga plastik na panlabas na may hawakan, butas o tali karaniwang yari mula sa HDPE, LDPE/LLDPE at PP plastik na materyales, o iba pang uri ng recyclable plastic na materyales na may kapal na di bababa ng 15 microns.

PP-Polypropylene–poly-propylene plastic o type–5 plastik na materiales.
Recyclable-mga materiales na ma-aaring ihiwalay, linisin at puwedeng gawin ulit para mapalitan upang makagawa ulit ng bagong produkto.

Relevant Recycles–mga individual o may pangalang negosyo na rehistrado at nakaugnay sa trading ng junk materials, na may magandang mithiin sa recycling upang maging bagong produkto.

Relevant Retailers–mga establisyimento na matatagpuan at nakasakop sa geographical limits ng Quezon City (Shopping Malls, Supermarkets, Department Stores, Grocery Stores, Fast Food Chains, Drug Stores, Pharmacy at Wet Dry Markets).

Kapag ang resibo ng establising walang salitang “Green Fund Fee”. Maaaring i-report sa Environmental Protection at Waste Management Department (EPWMD) sa telepono no. 444-7272 Loc. 8348 / 8349.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply