Ozamiz robbery group nahaharap sa patong-patong na kaso

PATAONG-PATAONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng mga miyembro ng Ozamiz robbery gang matapos isailalim sila sa inquest proceedings sa Manila Regional Trial Court.

Kabilang sa mga kasong kahaharapin ng suspek ay ang illegal possession of firearms and ammunition, robbery homicide, frustrated homicide at carnapping.

Ang mga suspek ay kinabibilangan nina Rey Marparan alyas Michael Dompor, 28 anyos; Roger Gallego, 29; at mga kasamang sina Carlos Sanchez, Riza Singson at Angeline Antonio.

Nakumpirma ng mga awtoridad na ang mga suspek ang utak sa serye ng mga holdapan at pamamaslang sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, partikular na sa naganap na panloloob sa isang convenience store sa Ermita Maynila na ikinasawi ng isang Amerikano.

Nabatid na naaresto ang mga suspek sa kanilang hide-out sa Harvard Street, Barangay E. Rodriguez, Cubao Quezon City nitong Lunes, Oktubre 1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply