P1-M bond ng mga kandidato, pag-aaralan

AALAMIN ng Malakanyang sa legal team nito at sa Department of Justice (DoJ) kung kailangan nga na mag-post ng P1 million bond ang isang kandidato upang malaman kung ito’y lehitimo o isang nuisance candidate na makikisawsaw sa 2013 elections.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte kailangan muna nilang makakuha ng detalye sa naging pahayag na ito ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes bago pa sila magkomento.

“We’ll have to get more details on that, what the bond will exactly be for,” ani Valte.

Aniya, posibleng may legal ramifications sa aspetong ito na nangangailangan ng gabay mula sa legal team ng Palasyo ng Malakanyang at Justice Department.

“Meron tayong provision in the Constitution na hindi nagre-require ng pera to run for any public office. So we’ll have to study that further,” aniya pa rin.

Pag-aaralan din ng Malakanyang ang hirit ng ilang opisyal ng Comelec na alisin na rin ang campaign period na magsisimula sa Pebrero ng susunod na taon dahil sa marami rin namang kandidato ang lumalabag dito.

“That will have also to be studied because if it’s a matter of enforcement then perhaps that should be addressed. ‘Yung enforcement ang nagiging problema nila then maybe other options can be explored,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply