P100-B nawala sa kaban ng bayan – COA

MAHIGIT P100 bilyon ang umano’y nawala sa kaban ng bayan dahil sa mga iregularidad, ayon sa report ng Commission on Audit (COA).

Batay sa ipinalabas na audit performance summary report ng COA sa taong 2011, ang P101.82 bilyon na nawala ay bunga ng paglabag sa mga batas, hindi awtorisado, iregular at hindi kinakailangang paggastos, unliquidated cash, undercollection at pagbalewala sa Procurement Act.

Ang ilan sa mga halaga na kasama sa mga umanoy nalustay ay kinabibilangan ng Unauthorized/Irregular/Unnecessary expenses (P18, 653, 516.00)
-Unliquidated cash advances (P7, 534, 153.00)
-No bidding/Not in accordance with procurement law (P15, 163, 353.00)
-Underassessment/Undercollection (P20, 813, 224.00)
-Unutilized/Ineffective projects (P13, 583, 533.00)
-Unliquidated fund transfer (P6, 800, 313.00)
-Unimplimented projects/unutilized funds (P3, 276, 235.00)
-Delayed implementation of projects/suspended projects (P2, 554, 056.00)

Hindi pa kasama rito ang milyong halaga mula sa fictitious claims, undeposited collections, overpricing, malversation of funds at iba pa.

Agad namang nilinaw ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte na hindi lahat ng nawalang pera ay dahil sa korapsyon.

Sinabi rin ni COA Commissioner Grace Tan na hindi rin ibig sabihin na nawala itong lahat noong 2011.

“The subject matter thereof were audits completed in 2011, but not necessarily covering the same year. In fact, many of the audits covered prior years. Pecuniary loss does not necessarily result from graft, and it is only the courts that can make a judgment of graft,” paliwanag ni Tan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply