P11-M marijuana, sinira ng PDEA

TINATAYANG P11 milyong halaga ng halaman ng marijuana at mga buto nito ang winasak ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa magkakasunod na marijuana eradication sa Benguet, Ifugao at Mountain Province.

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PDEA – Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa pangunguna ni Director Ronald Allan Ricardo at PNP mula sa Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group – CAR (RAIDSOTG-CAR) at Provincial Police Offices ng Benguet, Ifugao at Mt. Province,ang tatlong sitios ng Bakun, Benguet: Sitio Dayag, Bulisay at Mabilig; Sitio Dalipey sa Kibungan, Benguet; Sitio Puwal sa Tinoc, Ifugao; at Barangay Sinto sa Bauko, Mt. Province.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. wala naman silang nahuling cultivator sa nasabing operasyon gayunman umabot sa 11 plantasyon na nasa loob ng kabuuang 6,650 square meters at nakabunot sila ng may 46,200 fully grown marijuana plants at 55,000 marijuana seedlings na katumbas ng halagang Php11,440,000.00 batay sa tinatayang halaga ng Dangerous Drugs Board (DDB).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply