P111-B President’s Bridge anomaly iimbestigahan

HANDANG makipagtulungan ang Malakanyang sa Senado sa oras na simulan na ang imbestigasyon kaugnay sa P111-billion President’s Bridge anomaly.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, makaaasa si Senador Serge Osmeña ng tulong mula sa ehekutibong sangay ng pamahalaan kapag nagsimula nang tumakbo ang imbestigayon sa isyung ito sa pangunguna ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sa katunayan ay nagbigay na aniya ng mga hinihiling na dokumento ang DPWH sa isyung ito.

“This is the tulay, the bridges? Well, it’s… We have submitted documents to Senator Osmeña, for instance, DPWH has submitted some documents that he has requested. And so in that nature, we—since he requested some documents, we have submitted what he wants and so in that part, we obviously are going to be called in, maybe members of the DPWH will be asked to testify. We will testify as when and when we are summoned or invited,” ayon kay Sec. Lacierda.

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung sinu-sinong mga opisyal ng DPWH, Department of Finance at iba pang opisyal na may kinalaman sa usaping ito ang ipatatawag sa nasabing imbestigasyon.

“We expect the Executive department to cooperate,” aniya pa rin.

Ang naturang anomalya ay malinaw na nagsasangkot sa mga  nakaraang Ramos, Estrada at Arroyo administration.

Samantala, umaasa ang Malakanyang na agad na magkakaroon ng linaw ang anomalya at managot ang dapat managot dito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply