P12-B budget ng QC sa 2013, nilagdaan na ni Bistek

NILAGDAAN na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang P12 bilyong budget ng QC para sa taong 2013.

Ang naturang budget ay hahatiin sa general services – P6.69 bilyon,  social services- P3.19 bilyon habang  P760.6 milyon ay para sa  economic services.

Umaabot naman sa P1.35 bilyon ang laang budget para sa legislative branch ng lokal na pamahalaan ng QC.

“We remain committed to our solemn oath to create an atmosphere that works for the reduction of poverty. Our approach must be to provide a framework that coordinates initiatives that cuts across bureaucratic layers,” ayon kay  Mayor Bautista.

Partikular na gagastusan ng naturang budget ang public infrastructure development, implementasyon ng mid-term socio-economic development plans para maibsan ang kahirapan sa lunsod , edukasyon at health care, maayos na  human settlements at pag aangat sa investments para sa  disaster risk reduction.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply