P13M jackpot ng Mega Lotto 6/45 nasungkit ng Caviteño

NASUNGKIT ng isang residente sa Silang, Cavite ang mahigit P13 milyon jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto na binola kagabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Nasapol ng mapalad na lotto bettor ang kombinasyong 43-33-07-20-14-35 na may katumbas na kabuuang premyong P13,239,408.60.

Inaasahang papalo naman sa halos P40 milyon ang premyo sa 6/55 Grand Lotto na bobolahin bukas ng gabi (Oktubre 3) matapos mabigo ang mga lotto bettor na makuha ang jackpot prize nitong P34,190,575.20.

Samantala, sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II na kinubra na rin ng 75-anyos na retiradong kawani ng gobyerno ang kalahati ng P51,241,66740 ng 6/42 Lotto na binola noong Setyembre 29 na pinaghatian nila ng isa pang lotto bettor na nakakuha sa kombinasyong 21-15-1004-23-09.

Sinabi ni Rojas na kinuha ng mapalad na senior citizen ang tinayaang numero mula sa araw ng kapanganakan ng asawa, anak at apo na tinayaan ng halagang P140 sa pamamagitan ng System 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply