P192-M budget inilaan sa Cacao Agribusiness Dev. Zones

BIBIGYAN ng Department of Agriculture (DA) ang tinaguriang “mocha trend” ng P192 milyon na budget para sa kape at sa implementasyon ng Cacao Agribusiness Zones Development (CAZD), na parehong magpapalakas ng produksyon ng kape at cocoa sa bansa.

Bilang bahagi ng coffee roadmap, makikipagtulungan ang DA sa Nestle Philippines sa pagtataguyod ng mother plant garden sa Cagayan Valley. Inaasahan na makakalikha ito ng 200,000 Robusta coffee seedlings bawat taon sa pamamagitan ng Cagayan Valley Upland Research Outreach Station sa Aglipay, Quirino.

Para naman sa cocoa, itataguyod ng CAZD ang limang agribusiness zones—Davao City, Compostela Valley, Zamboanga del Norte, Palawan, at Camarines Sur.

Kinakailangan yakapin ng Pilipinas ang “mocha trend” sapagkat ang lumalawak na obsesyon ng publiko sa kape bilang isang inuming pangsosyalan ay nagresulta sa mas maraming timpla ng kape na may iba’t ibang lasa. Partikular na nga ang paghahalo ng kape sa tsokolate na cocoa o mas kilala bilang mocha.

Kamakailan lamang ay sinuportahan ng BAR ang isang research at development (R&D) forum para sa kape at cacao na inorganisa ng Options Inc., na maghihikayat sa mga mamumuhunan na maglagak ng kanilang pera sa nasabing mga produktong pansakahan na inaangkat pa ng bansa.

Taon-taon ay nag-aangkat ang bansa ng 100,000 metrikong tonelada (MT) ng coffee beans na nagkakahalaga ng P10 bilyon at karamihan nito ay mula sa Vietnam.

Nag-aangkat naman ang bansa ng 20,000 MT ng cocoa beans mula sa malalaking African cocoa producers sa Nigeria, Ivory Coast na nagkakahalaga ng $42 milyon taon-taon. Labas pa sa bilang at presyong nabanggit ang mula sa produktong tsokolate at iba pa, ayon na rin kay Options Inc., managing director Josephine Ramos.

Aniya, ang malaking konsumo ng kape at cocoa sa bansa ang nag-uudyok sa industriya na magkaroon ng lokal na produksyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply