P2-M inilaan ni Hataman sa market stalls sa Datu Paglas, Maguindanao

TACURONG CITY, Sultan Kudarat -Pinasalamatan ng mga residente ng Datu Paglas, Maguindanao si ARMM OIC Governor Mujiv Hataman sa pondong ibinigay nito na P 2 milyong para sa public market stalls ng naturang bayan.

Mismong si Hataman ang nagbigay ng tseke kay Datu Paglas Mayo Datu Mohammad Tong Paglas Al-haj sa seremonya na ginanap kahapon.

Ayon kay Hataman ito ay isa lamang na kongkretong programa ng ARMM upang tuloy-tuloy ang mga pagbabago at reporma sa rehiyon.

Sinabi ni Mayor Paglas na ang nasabing halaga ay ipapagawa ng walong market stalls para sa mga taga Datu Paglas.

Ito ay ipapatayo sa harap ng kanilang terminal building.

Masaya din si Leopoldo Manalo, pangulo ng Datu Paglas Market Eateries Association dahil ang pondo ay tiyak na malaking tulong para sa mga katulad nilang ordinaryong mga mangangalakal.

Samantala, pinasinayahan din ni ARMM OIC Governor Hataman at Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu ang dalawang proyekto na road concreting sa bayan ng Buluan.

Ipinamahagi din ang mga kalabaw para sa mga magsasaka ng walong bayan sa Maguindanao sa ilalim ng animal dispersal program at PAMANA program ng OPAPP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply