P20M shabu nakuha sa isang Chinese national

NAKUHA ng mga awtroridad ang tinatayang P20-milyon halaga ng shabu mula sa isang Chinese sa isinagawang buy- bust operation sa isang mall sa Coastal Road sa Parañaque.

Nakuha ng mga awtoridad ang tatlong (3) kilong shabu sa suspek na kinilalang si Benny Chua na nakasilid sa mga pakete ng Chinese tea.

Nabatid na nakipagtransaksiyon ang supsek sa isang police asset para bumili ng shabu sa halagang P20 milyon.

Nang mabuo ang transaksiyon ibinigay ng police asset ang markadong salapi kapalit ng binibiling shabu na naging dahilan upang ito ay maaresto.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tukuyin ang sindikato na nasa likod ni Chua.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply