P300-B reclamation project sa Las Pinas pinatutunaw sa SC

IGINIIT ng mga oppositors sa Manila Bay reclamation project sa Court of Appeas (CA) na ipawalang bisa ang mahigit P300 bilyon deal para sa 6,000 coastal area dahil sa posibilidad na magresulta ng malawakang pagbaha sa sandaling maulit ang super typhoons tulad ng  “Ondoy” at “Sendong” na tumama sa Metro Manila.

Sa ginanap na pagdinig para sa kahilingan na magpalabas ng  writ of kalikasan,sinabi ni Atty. Ipat Luna, environmental expert, sa  CA 3 rd Division na ang nabanggit na proyekto ay magbibigay ng trahedya sa may  1.5 milyon residente ng  Las Piñas at Parañaque,gayundin sa bayan ng Bacoor, Cavite.

Bukod dito,sinabi ni Luna na ang naturang deal sa pagitan ng Al Tech Contractors ay maanomalya .

Sinabi naman ni dating Solicitor General Francisco Chavez na isinampa ang petisyon laban sa reclmation deal alinsunod sa kagustuhan ng mga residente ng siyudad dahil na rin sa epekto at nakitang iregularidad.

Tiniyak pa ni Chavez na marami pang mga ekspertong testigo ang ihaharap ng mga. Petitoner sa nakatakdang pagdinig sa Oktubre 17 at 19.

“Naging clear ang posisyon sa petition na may karapatan ang residents na bantayan at dapat ipaglaban ang kanilang mga lugar na tatamaan ng proyektong ito sa pamamagitan ng petisyon na ito,” ayon kay Chavez.

Samantala, itinanggi naman ni dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar na ginamit ang isang political organization sa pagkalap ng lagda para tutulan ang proyekto.

“Sila (residents) mismo ang nagpapirma. We don’t use any political organization. We use homeowners, sila nag-initiate and nag gather ng mahigit 300 thousand signatures. It took us four months. From oct 2011 to jan 2012. So it was a labor of love of our citizen,” ayon kay Villar.

Sa kanilang petisyon,sinabi ni Villar, na ang proyekto na may layuning igawing commercial-residential ang lugar ay magiging sagabal sa daloy ng tubig sa mga ilog ng Las Pinas, Parañaque, at Zapote Rivers.

Sa sandaling ituloy ang proyekto lulubog hanggang sa limang metrong baha ang 65 barangay.

Bukod sa  AllTech, kasama din bilang respondents ang the Philippine Reclamation Authority, Department of Environment and Natural Resources, Environmental Management Bureau, at ang Las Piñas City government.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply