P4.5M pabuya sa car theft leader sa Davao

NAGLAAN si Vice Mayor Rodrigo Duterte ng may kabuuang halagang P4.5-milyon pubuya para makuwelyuhan si Ryan “Baktin” Yu, na tinaguriang lider ng car theft syndicate na nag-ooperasyon sa Mindanao.

Si Yu ang inulat na nasa likod ng serye ng car thefts sa ilang siyudad sa Mindanao, kabilang ang lungsod ng Davao, General Santos at Butuan at iba pa.

“I’m putting up P2 million if he is captured alive and then another P2 million if he is captured dead. And another P500,000 for anyone who could bring Yu’s head before me. So, all in all, it will be a total of P4.5 million,” pahayag ni Duterte.

Bukod pa rito, binalaan din ni Duterte si Yu na huwag magkakamaling bumalik pa ng Davao City, dahil siguradong may paglalagyan ito dahil sa kanyang mga kasalanan sa lipunun.

May 30 nakaw ng sasakyan ang narekober sa Baktin group ni YU ang elemento ng Philippine National Police and the Highway Patrol Group (HPG) sa Regions 11, 12 at Caraga sa magkakahiwalay na pagsalakay nitong nakaraang linggo sa Davao at sa General Santos at Butuan.

Narekober ng pinagsanib na puwersa ng Davao City police at ng HPG nitong nakaraang Lunes ng gabi ang may 14 behikulo na pinaniniwalaang nakaw sa isang bodega na pag-aari ni Yu sa Sarphil Subdivision, Barangay Wilfredo Aquino sa nasabing lungsod.

Sinabi ni Superintendent Ronald de la Rosa, Davao City police chief, na ang ilan sa mga sasakyan na narekober mula sa naturang bodega ay 1 Nissan Urvan, 2 Toyota Vios, 1 Nissan Bongo, 1 Mitsubishi Lancer, 1 Toyota Avanza (na may license plate FNL-367), 1 Nissan Bentre (KER-501), 2 Nissan Navarra, 1 Toyota Hi-Lux, 1 Honda Civic, 1 Chevrolet Cruze, at 1 Mitsubishi Strada.

Sinabi ni De la Rosa na ang pagsalakay sa bodega ni Yu ay may bisa ng isang search warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 13 sa Davao City.

Ang search warrant aniya ay para lamang sa 13 sasakyan pero 14 na sasakyan ang kanilang natagpuan at isa pa lamang ang nakumpirmang nakaw na sasakyan.

Samantala, isang Ibrahim Buog, na natangayan ng kanyang Toyota Hi-Lux malapit sa Holy Cross sa Agdao sa naturang lungsod noong nakaraang Enero 15 at natagpuan ang kanyang plaka ng sasakyan sa bodega ni Yu.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply