P40-M peking duck nasabat ng BOC

UMAABOT sa P40 milyon ang halaga ng frozen peking duck ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang naturang mga peking duck ay sakay ng dalawang 40 footer container van na iligal na ipinuslit sa bansa mula sa China.

Ang kargamento ay nabatid na naka-consign sa Hexa Trading na ideneklarang mga frozen mackerel.

Nadiskubre lamang na hindi frozen mackerel ang kargamento nang idaan ito sa x-ray facilities ng ahensya.

Sinabi rin ni Biazon na ang importasyon sa frozen Peking Duck ay wala rin umanong permit mula sa Department of Agriculture.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply