P44M budget ni PNoy sa state visits sa NZ, Australia

AABOT sa P44 million ang inilaan ng pamahalaan na budget para sa biyahe ni Pangulong Benigno S. Aquino III at kanyang delegado para sa kanyang state visits  sa New Zealand at Australia  mula Oktubre 22 hanggang 26.

Ang first stop ni Pangulong Aquino ay sa  New Zealand kung saan siya mananatili hanggang bukas, Oktubre 22 bunsod na rin ng imbitasyon ni Prime Minister John Key.

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, didiretso ang Pangulong Aquino sa Australia para sa isang pulong kasama si Prime Minister Julia Gillard.

Ang Pangulong Aquino ay nasa Australia mula Oktubre 24 hanggang 26.

May kabuuang 96 ang delegado ni PNoy sa kanyang two-leg state visits kabilanhg na sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Trade Secretary Gregory Domingo, Agriculture Secretary Proceso Alcala, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan at PCDSPO Secretary Ramon Carandang.

Ang pondong inilaan sa byahe ng Pangulo ay kinapalooban ng charter lease, accommodation, transportation, food and equipment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply