P44M sa 6/55 grand lotto jackpot inuwi ng lola

NAIUWI ng ng isang 66-anyos na cancer survivor ang kalahati ng mahigit P88 milyong pisong napanalunan sa 6/55 Grand lotto na binola noong Oktubre 20 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office
(PCSO) sa Pasay City.

Personal na tinanggap ng mapalad na lola na taga-Masbate kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas, II ang tsekeng may kabuuang halagang P44, 360,771.40 na kalahati ng jackpot prize na P88, 721, 542.80 na pinaghatian nila ng isang mananaya mula sa Mountain Province na nakakuha rin ng tamang kombinasyong 37-38-24-33-35-32.

Kinuha ng mapalad na mananaya ang tinamaang kombinasyon sa edad ng kanyang anim na anak na babahaginan niya ng kanyang napanalunang salapi.

Ayon kay Rojas, tatlong beses pa lamang tumataya ng tig-P40 sa lotto ang nagwaging lola matapos ma-ingganyo ng kanyang asawa na regular na tumataya . Labis-labis naman ang pasalamat ng matanda at tiniyak na magbibigay din siya ng malaking donasyon sa simbahan bilang pasasalamat sa biyayang kanyang tinatamasa.

Hinihintay naman ni Rojas sa kanyang tanggapan ang isa pang nagwagi sa kalahati ng malaking premyo na magmumula pa sa Mountain Province.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply