P45-M jackpot sa 6/49 Super lotto nasungkit na

TUMATAGINTING na P45 milyon jackpot prize ng 6/49 Super lotto ang nasungkit ng 24-anyos na ginang na kawani ng maliit na panaderya sa Pasig City makaraang masapol ang mga numero na binola noong Oktubre 28 sa tanggapan ng Philipppine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Kinubra ng ginang ang kanyang napanalunan kahapon mula kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng nagkakahalaga ng P48,021,703.20 na katumbas ng kombinasyong 21-10-31-13-28-09 na solo niyang tinamaan.

Ayon kay Rojas, hinugot ng ginang ang tinayaang kombinasyon mula sa petsa ng kapanganakan ng mga miyembro ng pamilya at sa anibersaryo ng kamatayan ng kanyang lola na tinayaan lamang ng halagang P20.

Sinabi ng ginang na matutupad na niya ang matagal ng pangarap na makabili ng sariling bahay at lupa, kotse at isama ang asawa at isang anak sa pagbisita sa ibang bansa. Handa na rin manong magbitiw sa trabaho ang ginang at magtayo na lamang ng kanyang sariling negosyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply