P48-M shabu nasamsam sa haybol ng Chinese

NASAMSAM ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang walong kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P48 milyon makaraang salakayin ang isang apartment sa 10th Avenue, Caloocan City, Biyernes ng gabi.

“Naka-recover sila ng eight kilos ng shabu sa target nila. Tuloy-tuloy na ito,” pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) head Arturo Cacdac Jr., sa isang interview sa government-run dzRB radio.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang opisyal pero sa naunang ulat ng dzBB radio kaninang umaga ay nakumpiska ang droga sa isang bahay sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.

Ayon pa sa ulat, ang shabu ay nagkakahalaga ng P48 milyon at ito ay natagpuan sa isang bahay sa Barangay 60.

Nirerentahan ang bahay ng isang Chinese national na nagpakilalang nagbebenta ng tsinelas sa Bulacan province.

Samantala, sinabi ni Cacdac na patuloy silang makikipagkoordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng National Bureau of Investigation sa paglaban sa drug menace.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply