P8.2-M financial support ng Pinas sa China

PERSONAL na iniabot ni Foreign Secretary Albert del Rosario ang 200,000 US Dolllars (or P8.2 M)  kay  Vice Foreign Minister at Special Envoy Fu Ying,  na nasa bansa ngayon para sa Foreign Ministry Consultations.

“I believe it was handed over when the Secretary of Foreign Affairs received the delegation this morning amounting to 200,000 dollars and it’s a gesture of our friendship and support,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Ang nasabing halaga ay tulong ng Pilipinas sa mga biktima ng lindol sa China lalo na sa Yuna at Guizhou.

“Doon po sa baka hindi po nakabalita, nagkaroon po kasi ng dalawang malakas na pagyanig in the southern provinces of China—Yuna and Guizhou, I think. It’s a gesture of our support and of our friendship also for the earthquake victims,” anito.

Si Fu Ying ay kasalukuyan ngayong nasa bansa para sa Foreign Ministry consultations, o bilateral talks kasama ang Pilipinas.

“I believe it is the 18th time na nagkaroon na po nitong consultations na ito between the Philippines and China. The last, the 17th FMC, was held in Beijing,” ayon sa opisyal.

Umaasa naman si Usec. Valte na ang naging pagbisita ni Fu Ying sa bansa ay mas makakapagpatibay sa magandang samahan ng China at Pilipinas.

Samantala, posible namang maraming mapag-usapang isyu sa pagkikita ng dalawang lider sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply