Paalala ng PNP: Mag-ingat sa akyat bahay

BILANG paalala sa mga mamamayan na magtutungo sa mga sementeryo ngayung undas, inalerto ng Parañaque PNP ang mga tauhan nito at mga barangay tanod sa pagsalisi ng mga akyat-bahay lalo na sa mga kabahayan na walang tao na abala sa paggunita ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Inatasan din ng punong lungsod na si Mayor Jun Bernabe ang City Health Office at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maglagay ng mga “first aid” at “lost and found stations” sa loob at labas ng mga memorial parks. Inatasan din nito ang Parañaque PNP at kaukulang barangay na palakasin ang “police visibility” sa mga matataong lugar kung saan may mga gumagalang mandurukot, gayundin sa mga komunidad kung saan maaring looban ng mga “akyat bahay” ang mga tahanang walang tao.

Samantala, inatasan din ng alkalde ang Parañaque Bureau of Fire Prevention na pataasin ang estado ng alerto nito sa Undas dahil sa probabilidad ng sunog dahil sa mga sinding kandila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply