Paaralan sa Quezon City nasunog

NASUNOG ang isang paaralan sa Brgy. Kalusugan, Quezon City kaninang madaling araw.

Nagsimula ang sunog bandang alas-4:29 ng madaling araw sa quarters ng mga mag-aaral ng Sambalikhaan School of Music na nasa compound ng Asian Institute of Liturgy and Music na pinangangasiwaan naman ng Episcopal Church of the Philippines (ECP).

Idineklarang under control ang sunog bandang alas-5:20 ng umaga na umabot sa ikatlong alarma.

Wala namang napaulat na nasugatan sa sunog habang patuloy na inaalam ang sanhi nito, gayundin ang halaga ng pinsala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply