Pabuya ni Duterte vs Baktin pinuna ng Malakanyang

HINDI nagustuhan ng Malakanyang ang pagpapalabas ng P4 milyon pabuya ni Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte para sa pagpatay sa lider ng Baktin carnapping syndicate na si Ryan Kim “Baktin” Yu.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kanilang kinikilala ang discretion ng lokal na pamahalaan na maglaan ng pabuya para sa mabilis na pagdakip sa isang suspek. Ngunit ibang usapan na aniya kung ang pabuya ay inaalok para sa pagpatay sa akusado.

“We do not encourage <this>. We highly discourage vigilantism in this country. So ‘yung reward po, again, wala po tayong problema diyan. Discretion po ‘yan ng mga lokal na pamahalaan kung gusto po nilang tumulong <para> mas mapabilis ’yung paghahanap sa isang grupo o sa isang taong pinaghihinalaan po nating meron pong ginawang isang krimen. Pero ‘yung para po sabihin na buhay o patay, let’s stick to what is necessary,” ayon Valte.

Dagdag pa ni Valte, na hindi naaayon sa tamang proseso ang paglalaan ng malaking halagang pabuya upang pumatay ng suspek na hindi pa napatunayan sa ilalim ng batas.

Sa ulat, matindi ang galit ni Duterte dahil nasa 30 pinaniniwalaang carnap na sasakyan ang narekober sa lungsod ng Davao kung saan itinuturong nasa likod nito ay ang Baktin syndicate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply