Pabuya vs Baktin, itataas sa P6-M

DAVAO CITY– Itinaas ni Davao City Vice mayor Rodrigo Duterte sa P6 milyong ang pabuya kapalit ng pagkakadakip buhay man o patay sa lider ng Baktin carnapping syndicate na si Ryan Kim Yu alyas Baktin.

Nangangahulugan lamang na mula sa dating P5 milyon ay magiging P6 milyon na ang reward money para sa pagkakadakip kay Baktin na pinaniniwalaang nakapuslit napalabas ng bansa.

Ayon kay  uterte, nababagot na siya sa kakahintay sa magandang resulta sa paghahanap at paghuli kay Baktin pero hanggang ngayon ni anino nito ay hindi pa rin  nakikita kaya gusto niyang dagdagan ang reward para mahuli na ito sa lalong medaling panahon.

“Ako’y natatagal sa paghintay na mahuli si Baktin, kaya plano kong dagdagan ang reward money ng isa pang milyong piso,” ani Vice Mayor Rody Duterte.

Inanunsyo ni Duterte ang kanyang plano kahit na siya ayg binatikos ng Malacañang dahil sa pagpapalabas ng reward system na parang ini-engganyo niya ang awtoridad na agad patayin si Baktin.

Ayon naman kay Duterte, dapat pakinggan ang kanyang binitawang pahayag upang hindi magkamali sa pagpapalabas ng reaksyon.

Sa nasabing pagtitipon, kaharap ni Duterte ang mga pulis at sundalo nang inanunsyo nito ang reward system na kung susuko si Baktin ay hindi ito dapat barilin ngunit kung armado at manlaban ay dapat maunahan at mapatay dahil isa itong wanted person.

Muling nagbabala si Duterte na si Baktin ay isang delikadong tao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply