Pacquiao bumubuo ng dinastiya – obispo

NANINIWALA ang isang obispo ng Simbahang Katoliko na bumubuo ng “political dynasty” si Pambansang Kamao at Sarangani Congressman Manny “Pacman” Pacquiao.

Ito ang inihayag ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez bunsod na rin nang pagtakbo ng tatlong miyembro ng pamilya Pacquiao sa May 2013 elections.

Ipinaliwanag ni Gutierrez na kapag ninais ng isang pamilya o angkan na i-dominate ang matataas na puwesto sa gobyerno sa isang partikular na rehiyon ay nangangahulugan ito nang pagtatayo ng dinastiya.

Nabatid na tatakbong muli sa pagka-kongresista sa lone district ng Sarangani ang boxing superstar habang ang kanyang asawang si Jinkee ay tatakbo namang vice governor ng Sarangani.

Ang nakababatang kapatid naman ni Pacquiao na si Roel ay nais maging congressman ng South Cotabato.

Dahil dito, tiyak aniyang magiging karagdagan ang pamilya Pacquiao sa listahan ng mga political dynasties sa lalawigan, na kinabibilangan ng mga Chiongbian, Antonino at mga Constantino.

Sa kabila nito, tumanggi naman si Gutierrez na magkomento ng direkta sa performance ni Pacquiao bilang mambabatas.

Sa halip, inilarawan niya ito bilang mambabatas na palaging “wala” dahil na rin sa pagiging abala nito sa kanyang sunud-sunod na laban. Kyle Gatus

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply