Pacquiao makikipag spar na

WALANG masyadong pahinga si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao subalit patuloy pa rin itong nagdya-jogging upang paghandaan ang nalalapit niyang sparring session na nakatakda sa susunod na Linggo sa General Santos City.

Ilang araw ng nagpapakondisyon si Sarangani Congressman Pacquiao kung saan ay sa General Santos City Sports Complex ito tumatakbo at pagkatapos ay sumailalim naman sa abdominal strenghtening.

Ayon kay Filipino assis­tant trainer Buboy Fernandez, napaka agresibo ng ipinakikitang galaw ni Pacquiao.

Pagkatapos ng kanyang ensayo dito sa Pilipinas ay tutungo naman si Pacquiao sa United States sa Oktubre 27 para simulan ang kanilang training camp ni chief trainer Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, Califronia.

Nakakuha na si Roach ng dalawang sparring partner ni Pacquiao para sa kanyang pagdating sa Wild Card Gym.

Makakasapakan ni Pacman sa kanyang sparring sa Wild Card Gym sina NABF lightweight titlist Ray Beltran at suking sparmate Russian light welterweight Ruslan Provodnikov.

Ilan sa mga ginagawang paghahanda ni Pacquiao laban kay Juan Manuel Marquez sa Dis­yembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada ay ang mga bagong istratehiyang gagamitin.

Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa catchweight na 147 pounds at sa isang non-title, welterweight bout.

Tatlong beses ng nagharap sina Pacquiao at Marquez sa lona kung saan ay nauwi sa controversial draw ang una nilang pagkikita at sa pangalawa at pangatlong laban nila ay hindi naman matanggap ni Marquez ang pagkatalo nito sa Pambansang Kamao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply