Pacquiao nagpabata

KASAMA sa paghahanda ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na ibalik ang dating galaw noong siya ay 25-anyos pa kaya naman nagpagupit na rin ito upang magmukhang bata.

Sa Disyembre 8 ang laban ng 33-anyos na si Pacquiao at 39-anyos na si Juan Manuel Marquez na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Determinado si Sarangani congressman Pacquiao na muling talunin via knockout si Marquez upang matapos na ang mga usaping ang nanalo sa tatlong paghaharap nila ay ang huli.

Maglalalaban sina Pacquiao, (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa isang non-title welterweight fight.

Samantala, magbabalik sa training camp ni Pacman si strength and conditioning coach Alex Ariza na nakasama na noong pataubin nila sina Oscar Dela Hoya, Miguel Cotto at Ricky Hatton.

Pihadong papatok sa takilya ang labanang Pacquiao at Marquez dahil ngayon pa lang ay umabot na sa 13,000 ang tiket na nabenta ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Pagkatapos upakan ni Pacquiao si Marquez ay handa na rin ang una na sapakin ang mayabang na si Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon.

Tatlong beses nabasura ang negosasyong Pacquaio at Maywether at ang pambansang kamao ang sinisisi kung bakit hindi matuloy-tuloy ang dream match.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply