Pacquiao nakatutok sa pag-eensayo

MULING inumpisahan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao pagpapakondisyon bilang paghahanda sa kanilang pang-apat na salpukan ni Juan Manuel Marquez.

Bago sumabak sa gym training ay nag-jogging muna sa General Santos City Complex si Pacquiao na ipinagpaliban ang biyahe sa United States para sa kanilang training camp ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Makikipagsapakan ang 33-anyos na si Pacquiao (54-4-2, 38 knockouts) sa 39-anyos na si Marquez (54-6-1, 39 KOs) sa kanilang pang-apat na paghaharap sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Natalo sa huling laban noong Hunyo 9 si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr,. via split decision kung saan naagaw ng American ang kanyang suot na WBO welterweight crown.

Kasabay nito ang pagtatapos ng kanyang 15-fight winning streak.

Samantala, siniguro ni Pacquiao na lalaban siya sa Abril ng 2013 at ilan sa mga sinasabing nasa listahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ay sina Floyd Mayweather, Jr. at dating world titlist Brandon Rios.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply