Pacquiao nanumpa sa UNA

NANUMPA na bilang kandidato ng United Nationalist Alliance si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na pansamantalang tumigil sa kaniyang pag-eensayo.

Kasama ni Pacquiao na nanumpa sa UNA ang may 20 mga local na opisyal ng lalawigan.

Giit ng kongresista na ang pagkakaisa at serbisyong tapat sa tao ang nag-udyok sa kaniya upang magpakupkop sa UNA.

Samantala, kinumpirma naman ng aktres at Bacoor Rep. Lani Mercado na hindi siya tatakbong senador bagkus ay mananatili siyang kinatawan ng kaniyang distrito.

Ayon kay Mercado, desisyon ng kaniyang pamilya ang manatili siyang kongresista dahil bago pa  lamang ang distrito ng Bacoor ay minarapat niyang tutukan pa ito.

Mamayang hapon ay nakatakdang maghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections ang tatlong kongresista na minabuting tumakbong senador sa ilalim ng UNA nina Vice President Jejomar Binay, dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce-Enrile.

Kabilang sa senatorial slate ng UNA sina Cagayan Rep. Jack Enrile, San Juan Rep. JV Ejercito at Zambales Rep. Mitos Magsaysay.

Mula sa Manila Hotel ay tutuloy ang mga nabanggit na mga kongresista sa Comelec upang maghain ng CoC kasama ang iba pang UNA senatorial candidate na sina dating Senador Ernesto Maceda at Juan Miguel Zubiri, negosyanteng si Joey De Venecia, tiyahin ni Pangulong Aquino na si Margarita “Tingting” Cojuangco, dating Sen. Richard Gordon, at mga common candidates na sina Grace Poe-Llamanzares, Sen. Loren Legarda at Sen. Francis Escudero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply