Pacquiao, nasa Amerika na para sa final training

LOS ANGELES – (Update) Nasa Estados unidos na si 8-division world champion Manny Pacquiao para sa final phase ng kanyang training para sa nalalapit na laban kay Mexican warrior Juan Manuel Marquez.

Sa Los Angeles International Airport pa lamang, sinalubong na si Pacquiao ng kanyang mga fans at ilang international media.

Inaasahang magiging matindi ang pagsasanay ni Pacquiao sa Wild Card Gym ni US trainer Freddie Roach dahil dito sa ika-pata na laban malalaman kung sino talaga ang magaling na boksingero sa pagitan  ni Pacquioa at ni Marquez .

Una rito, marami ang nabahala na sa General Santos City ginawa ni Pacman ang training sa halip na sa Baguio o sa Estados Unidos.

Pero depensa ng team Pacquiao, ito ang bagong estilo ng eight division world champion.

Sa ika-apat na pagkakataon, magsasalpukan ang dalawa sa darating na Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand Las Vegas, Nevada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply