Padaba ni Venus si Andrei Felix!

NAKAIINGIT ang sweetness nina Venus Raj at boyfriend niyang si Andrei Felix nang dumating sa grand opening ng pinakabagong branch ng Lay Bare Waxing Salon sa third floor ng Robinson’s Magnolia, sa may Aurora Boulevard, Quezon City.

Naintriga nga kami sa ‘Daba’ na tawag ni Venus kay Andrei. Galing pala ito sa Bicolano word na padaba na ang ibig sabihin ay mahal.

“Daba is maiksi nong padaba,” nakangiting sabi pa ng beauty queen turned actress and TV host. “Marami na kaming naging tawagan, e,” sabi naman ni Andrei.

“Nagsimula kami sa ‘Pare’ dahil bilang magkaibigan lang kami.  Magkatrabaho sa Umagang Kay Ganda.

“So ‘Pare’ ang tawagan namin. Naging ‘Lovey’. Naging ‘Baby’. Naging… kung iba-iba na. Evolution na.”

Pahabol na pahayag pa ni Venus…“Actually kung ano lang ang maisip namin na… uy, cute na tawagan ‘yon, a! Tapos ‘yon ang tawagan namin for the month.”

Gaano na nga ba katagal ang kanilang relasyon?

“Well naging official na kami, November 24 last year,” ani Andrei. “So magwa-one year na kami this year. So… ‘yon.”

Mukha namang happy sila pareho sa takbo ng relationship nila.

“Yes. Sobra!” nangiting sabi ni Venus.

“Bakit? Hindi ba halata?” biro naman ni Andrei bago tuluyang napahalakhak.

“I think it’s just because we know each other very well,” aniya pa. “Dahil nagkasama nga kami sa Umagang Kay Ganda everyday. Nagsimula kami, maganda ‘yong foundation namin. ‘Yong base namin.

“Ito ‘yong masasabi ko personally, and tingin ko rin sa kanya… eto ‘yong relationship ko na maganda ‘yong simula. ‘Yong foundation.

“Na nagsimula kami as very very good friends. Alam namin ‘yong strengths and weaknesses ng bawat isa. Pamilya ko at pamilya niya, okey kami.

“So… wala kaming nakikita na hadlang. Bilang na lang na mas matangkad siya sa akin kapag naka-heels siya,” tawa ulit ni Andrei.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Siyempre nando’n ‘yon. Kasama ‘yon,” sagot ni Venus.

“Siyempre ayaw mo naman na boyfriend mo siya for the rest of your life. Gusto mo na darating at darating kayo ro’n. Pero sa ngayon na wala pa kaming one year, siguro we’ll enjoy muna ‘yong ganitong stage.”

Gano’n rin daw muna ang gustong mangyari ni Andrei.

“Oo naman!” aniya. “Tingin ko… enjoy-in lang talaga. Kasi kung pag-uusapan ‘yong past, pag–uusapan ‘yong future, magugulo lang, e. Mas maganda na enjoy-in kung ano ang meron. Actually tama naman na gano’n, e.

“Pero napag-uusapan naman talaga ‘yong kasal. Imposibleng hindi namin napag-uusapan ‘yon.

“At one point, pumasok kami sa commitment na ito para pag-usapan din siyempre ‘yong future. Hanggang… di  ba?  ‘Pag ready na.

“Pero you know, as much as possible, ngayon… enjoy the moment. I-enjoy talaga kung ano ‘yong meron kami. ‘Yong work namin. Our families. And… magastos rin kasing magpakasal, e! Nag-iipon pa. Oo.  Nag-iipon.”

‘Yon na!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply