Padaca, bagong Comelec Commissioner

NASUNGKIT ni dating Isabela Gov. Ma. Gracia Cielo “Grace” Magno Padaca ang posisyon bilang bagong Comelec commissioner.

Sa katunayan ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay naipadala na sa Comelec ang appointment papers ni Padaca. Si Padaca, 48, ay miyembro ng Liberal Party (LP).

“Yes, upon verifying with OES, I confirm the appointment papers of Grace Padaca as Comelec Commissioner has been transmitted to Comelec,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa ulat, nauna nang kinumpirma ni Padaca na may alok sa kanya na maging komisyonado ng komisyon.

Sinabi nito na hindi agad niya tinanggap ang puwesto dahil pinag-isipan din niyang muling tumakbong gobernadora.

Welcome naman sa Comelec ang pagkakahirang kay Padaca.

Tinuran ni Comelec  Chairman Sixto Brillantes na masaya sila sa naturang development.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Brillantes na mayroong pending electoral protest si Padaca sa Comelec at sa pag-upo nito bilang komisyonado ay mapapawalang-bisa na ito.

Hindi naman magiging balakid sa serbisyo ni Padaca ang kasong graft na nakahain laban dito sa Sandiganbayan kaya’t  pa tuloy pa rin na magtatabraho ito bilang commissioner lalo na at wala namang finality sa resolusyon ng kaso.

“OK naman si Grace, OK lang, kilala ko naman siya,” ang pahayag ni Brillantes.

Si Padaca na isang polio victim ay naging malapit din sa pumanaw na si dating Interior Sec. Jesse Robredo bilang co-founder ng Kaya Natin Movement.

Ang bagong opisyal ang tanging magiging babaeng miyembro ng komisyon kung saan ang iba pang mga Comelec commissioners ay sina Lucenito Tagle, Armando Velasco, Christian Robert Lim at Elias Yusoph.
Pinalitan ni Padaca ang nag-resign na si Gus Lagman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply