Padaca di pa makalalahok sa botohan ng poll body

INIHAYAG ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng sa susunod na linggo pa makalahok si Commissioner Grace Padaca sa botohan sa mga kaso sa Commission en banc.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento na nais ni Padaca ba pag-aralang mabuti ang mga kasong hawak ng poll body bago lumahok sa botohan upang masigurong tama ang kanyang boto o hatol sa mga ito.

Sinabi ni Sarmiento, na kinausap na rin nila ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. si Padaca na lumahok sa botohan dahil kailangan nila ng pang-break sa mga tie.

Ipinaliwanag nito na hindi maiwasan na minsan sa mga botohan ay nagkakaroon ng tie o ‘3-3’ ang lumalabas na resulta kaya’t kailangang ma-break ito upang makapaglabas ng desisyon ang poll body.

Si Padaca ay isang accountant at dating gobernador ng Isabela bago ito itinalaga ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa Comelec.

May dalawang linggo pa lamang na nakakaupo sa komisyon si Padaca.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply