Padaca handang magbayad ng piyansa

HANDANG ng magbayad ng piyansa si dating isabela Gov. Grace Padaca sa kasong graft at alegasyon na malversation of public funds sa Sandiganbayan.

Ani Padaca, lagi niyang dala ang kanyang overnight bag para handa siyang magpakulong anumang oras na siya ay arestuhin matapos magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan.

Aniya, ang hindi niya paglalagak ng piyansa ay pagpapakita ng protesta sa proseso sa pagbusisi sa kanyang kaso at sa inilabas na mandamiento de aresto.

Ngunit matapos umano siyang italagang Comelec commissioner ay nagbago ang kanyang paninindigan at kailangan na siyang magpiyansa at hayaang umusad ang judicial process sa kanyang kaso.

Unang dumulog sa Korte Suprema si Padaca matapos magpalabas ng mandamiento de aresto ang Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap na kaso

Samantala, ipinagtanggol ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima ang appointment ni Padaca bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Aniya, wala siyang nakikitang legal hindrance sa pag-upo ni Padaca sa naturang posisyon.

Magugunitang kumalat ang sari-saring reaksyon sa appointment ng lady commissioner dahil sa paglabag umano sa umiiral na batas, lalo’t tumakbo at natalo ito noong 2010 elections bilang gobernador.

Base kasi sa Article IX C ng 1987 Constitution, ang itatalagang Comelec chairman at commissioners ay hindi naging bahagi ng nakaraang halalan.

Gayunman, ang May 2010 national and local election ay nasundan ng barangay election noong October 2010 kaya hindi ito angkop sa kaso ni Padaca.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply